Ateneo de Davao namigay ng libreng internet subscription sa faculty at iPad sa iskolars

Davao, PH – Kung isa ka sa mga iskolar o faculty ng Ateneo de Davao University, marahil nakatanggap ka ng internet subscription subsidy o pahiram na iPad at Apple pen.

Sa post ni Hadji Balajadia, isang propesor sa naturang unibersidad, layunin ng kanilang pamunuan na hindi maantala ang pagkatuto o academic progress ng kanilang mga estudyante. Kaya naman lahat ng faculty ay nabigyan ng internet subsidy para sa Globe Home Wifi o Smart Home Wifi. Mga Apple iPad naman ang pinahiram nila sa kanilang mga iskolar.

Dahil diyan, mapagpapatibay pa ng nasabing universidad ang kalidad ng kanilang edukasyon sa kalagitnaan ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng online learning.

Kudos to the University President and College Faculty Union of Ateneo de Davao University!

Read also: Pasig City Will Be Giving P1 Billion Worth Of Cash Aid To Residents

Cover photo credit: Hadji Balajadia


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *