Bakit binalik ng isang ginang ang P5K ayudang natanggap

North Cotabato, PH – Namangha ang maraming netizens sa isang ginang mula North Cotabato na nagtrending matapos niyang ibinalik ang P5,500 ayuda na kanyang natanggap mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno.

Read also: Vendor donates reusable masks right after receiving P5,500 financial assistance from DSWD

Ibang-iba si Ginang Whendy Po, 28, may asawa at isang anak. Sa kaliwat kanang reklamong nababasa ng mga netizens mula sa mga hindi nakatanggap ng ayuda, piniling ibalik ni Whendy ang natanggap na tulong pinansiyal. Nakatanggap na raw kasi ang kanyang asawang naninirahan sa kabilang barangay at ayaw niyang madoble ang ito.

“Kusa ko pong ibinalik yung perang naibigay sa akin ng mga taga-barangay mula sa Social Amelioration Program sa dahilang nabigyan na ang aking asawa na nasa kabilang barangay. Mas kailangan ito ng iba pang higit na nangangailangan dulot ng Covid-19 krisis sa aming barangay. Hindi ko po tinanggap dahil dodoble na ang aming matatanggap na ayuda at alam ko po na maari kaming makulong hinggil dito”, ani Whendy.

Read also: Father walks 5 kms carrying dead son’s body

MENSAHE NG ISANG GINANG NA NAGBALIK NG PERA NG SOCIAL AMELIORATION PROGRAM (SAP)Si Ginang Whendy Pido, 28 na taong…

Posted by DSWD XII on Sunday, April 19, 2020

Mabuhay po kayo, Ginang Whendy Po sa inyong pagiging tapat at may takot sa Diyos.

Read also: PNP To Directly Arrest Quarantine Violators Under ‘Martial Law-Type’ Approach


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *